top of page

LAYUNIN:
 

  • Maipabatid sa mga tao ang ideya at adhikain ng wika sa hinaharap.

  • Makapagpanatili ng maayos na relasyon sa pamamagitan ng maayos na paggamit ng wika.

  • Maipatatag ang kultura at tradisyon sa isang komunidad.

NILALAMAN:

               Ang pagkakaroon ng wika sa isang komunidad ay may iba't ibang gamit at kahalagahan.Biniyayaan ng Diyos ang mga tao ng higit na nakatataas na pag iisip kumpara sa iba pang nilalang.Kaugnay nito ang kakayahan nating matuto ng sarili nating wikaat mapayabong pa ito sa pagdaan ng panahon.Tunay nga namang napakamakapangyarihang elemento ng ating pagkatao ang matuto ng wika.Ang wika ang nagsisilbing pundasyon ng lahat para magkaroon ng komunikasyon sa mga nakapaligid sa atin.Kung wala ito ang mundo ay magkakagulo at hindi magkakaroon ng pagkakaunawaan sa isa't isa.Ang wikang umiiral sa ating komunidad ay nagsisilbingsinulid na nagkokonekta sa bawat isa,isang sinulid na hindi basta maaaring maputol kung atin itong iingatan at pahahalagahan.Hindi lamang sa pang komunikasyon,ang kahalagahan ng wika ay makikita at mapapakinggan mo kahit saan.Sabi nga,ang wika ang kaluluwa ng isang bansa.Sa pamamagitan ng pagkakaroon ng sariling wika,nagkakaisa ang mga mamamayan.Sa pamamagitan ng wika ay nagkakaroon ng pagkakaisa ang bawat isa na nagiging daan upang makamit natin ang kaunlaran na ating inaasam.Ang wika rin ang nagsisilbing pagkakakilanlan sa bawat mamamayan.Napakaswerte nating mga Batangueno sapagkat mayroon tayong sariling wika na siyang magagamit upang makilala tayo kung saang lugar tayo tutungo.

            Mahalaga ang pagkakaroon ng sariling wika bilang instrumento ng komunikasyon,nagpapalaganap ng kaalamn,pagbubuklod ng isang bansa at lumilinang ng malikhaing pag iisip.Una,ginagamit natin ang wika sa pagpapahayag ng damdamin at kaisipan na hindi kinakailangan na ang isa man sa atin ay magkaroon ng mataas na kaalaman sa isang wika upang maipahayag niya ang kanyang saloobin dahil sapat nang maipahayag ng bawat isa ang konseptong nais nilang iparating sa wikang pareho nilang mauunawaan.Pangalawa,maraming kaalaman ang naisasalin sa bawat saling lahi sa pamamagitan ng wika.Kung ang isang tao ay nakatuklas ng isang mahalagang kaalaman,ito ay sinusulat natin o kaya ay sinasabi sa isang kakilala.Dahil dito,ang kaalamang kanyang natuklasan ay hindi kasamang nalilibing kapag ang taong nakatuklas ay namatay na.Pangatlo,ang pagkakaroon ng isang pambansang wika ay mahalaga upang magkaisa at mabuklod ang mga mamamayan ng isang komunidad.             

BATANGAS - Ang Totoong Pinagmulan ng Wikang Tagalog
Ang dialekto ng Tagalog na sinasalita sa lalawigan ng Batangas ay malapit na inuugnay sa Lumang Tagalog na sinasalita bago pa man dumating ang mga Kastila. Sa katunayan, ang Summer Institute of Linguistics ay tinatawag ang lalawigan ng Batangas na Heartland of the Tagalog Language. Ang isang malakas na presensya ng kultura ng Tagalog ay malinaw na nakikita sa kasalukuyang araw.
Ang pinagmulan ng mga Tagalog ay pinagtatalunan pa rin at sinasabi ng mga dalubwika na ang mga ninuno ng mga Tagalog ay nagmula sa lumang bayan ng Taal sa Batangas na winasak ng pagsabog ng bulkan noong unang panahon. Sinasabi din na nagmula din ito sa hilagang-silangan ng Mindanao o silangang Visayas (ayon sa mga lingguwistang sina Dr. David Zorc at Dr (Robert Blust) kung saan ang kanilang mas malapit na mga kamag-anak ng wika (ang mga Bisaya) ay naninirahan. Ang mga pangunahing sentro ng sibilisasyon ng Tagalog ay nakabatay sa riverine deltas, lalo na sa mga bayang tinatawag ngayon na Maynila, Taal sa Batangas, Pila sa Laguna, at mga kalat na bayan sa Maynila Bay.
Ang Batangas sa pangkalahatan ay isinasaalang-alang at tinatanggap ng mga lingguwista bilang 'Puso ng Wikang Tagalog' habang ang dialect ng Tagalog na sinasalita dito ay malapit na katulad ng Tagalog na sinasalita bago ang pagdating ng Espanyol. Samakatuwid, ang isang malakas na presensya ng Kultura ng Tagalog ay malinaw na nakikita hanggang ngayon. Bagaman sa pangkalahatan ay mauunawaan sa mga nagsasalita ng iba pang mga dialekto, tulad ng mga diyalekto ng Manila at Tayabas, ang bokabularyo ng Batangan Dialect ay mas malapit na nauugnay sa sinaunang Tagalog. Bihirang gamitin ng Batangueños ang Taglish, pangalan na ibinigay sa pinaghalong Ingles at Tagalog, na karaniwan sa Maynila.
Kahit na malawak na tinatanggap na ang salitang Tagalog ay nagmula sa salitang 'Taga-Ilog' o mga residente ng ilog, (na tumutukoy sa Pasig River ng dating bayan ng Rizal at Maynila), sinabi ni Wang The-Ming sa kanyang mga sinulat na ang Batangas ang tunay na sentro ng Tribo ng Tagalog, na tinukoy niya bilang Ma-yi. Ayon sa Chinese Annals, ang Ma-yi ay may sentro sa Batangas at umabot sa hilaga sa Cavite, Bataan (sa pamamagitan ng Cavite), Laguna, Quezon, Manila, Rizal, at nagtatapos sa Bulacan (kung kaya ang Pampanga at ilang bahagi ng N. Ecija ay iba ang dialekto) at timog sa mga lalawigan ng Mindoro, Marinduque at isla ng Lubang, ilang bahagi ng Zambales (sa Bataan), Nueva Ecija (sa Bulacan) at Tarlac (sa Nueva Ecija) at ngayon ay kumakalat sa ilang bahagi ng Aurora (sa pamamagitan ng Quezon at Bulacan), Palawan (sa Mindoro), Camarines Norte (sa Quezon) at hilagang bahagi ng Camarines Sur sa Bicol. Kung mapapansin mo, ang Batangas ay nasa sentro ng Katagalugan.
Si Maria Kalaw Katigbak, isang Pilipinong historyador, ay matatandaan na tumawag sa mga Batangueño na Super-Tagalog. Ito ay dahil ang mga grupong ito ng mga taong kabilang sa stock ng Tagalog ay ang pinakamahalagang halimbawa ng kung ano ang maaasahan ng grupong ethnolinguistic na ito. Dagdag pa riyan, maraming mananalaysay na ginagamit ang salitang Tagalog at Batangueño. Ang isang napakabihirang halimbawa ng script na pre-Espanyol Tagalog ay natagpuan sa Calatagan, Batangas. Ang script ay tinatawag na Baybayin, at nagmula sa Javanese writing, na kung saan ay nagmula sa Brahmi. Ang paraan ng pagsulat na ito ay napanatiling buhay sa sa pagkakaukit sa palayok na niyari para sa paglilibing na may petsang 1200s o 1300s.
Sa teoriya, kung ang Manila ay naging sentro ng Tagalog, ang mga lalawigan ng Pampanga at ilang bahagi ng hilagang lalawigan sa Luzon ay magkakaroon ng malawak na paglaganap ng wikang Tagalog din.
Gayunpaman, walang wika o diyalekto ang likas na mas mahalaga kaysa sa isa. Ang dialekto ng Tagalog na sinasalita sa Maynila ay itinuturing na mas mahalaga kaysa sa mga nasa Batangas dahil sa ito ay isang lungsod at kapitolyo ng bansa. Kung ang Balayan, Batangas ay naging mas mahalaga kaysa sa Manila, ang karaniwang Tagalog na ginagamit ngayon ay maaaring kakaiba.

Sa kabuuan,ang pagkakaroon ng sariling wika ang pinakamahalagang tungkulin ng wika sapagkat dito pinaiiral  ang malikhaing paglinang ng mga bagong pamamaraan at bagong paniniwala.Sa tungkuling ito,ang wika ay kinakailangang mapataas at mapaunlad.Kapag tayo ay nagbabasa ng maikling kwento o nobela parang nararamdaman natin ang nararamdaman ng pangunahing tauhan dahil pinagagana ng wika ang ating imahinasyon.Sa pamamagitan ng payak at tiyak na panuto,naituturo sa atin ang paggawa ng isang bagay kahit hindi natin nakikita kung paano ito ginagawa.Dahil sa wika maraming mga bagay ang nabubuo,nalilikha o naiimbento.Sabi pa nga ng Bayaning Pilipino na si Dr.Jose Rizal,"Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika ay higit pa sa malansang isada".Kaya pahalagahan ito at mahalin ng buong puso,hindi lamang sa salita kundi sa gawa.Mahalaga talaga ang wika sa isang komunidad dahil nagpapatunay ito na mayroong sariling wikang maipagmamalaki ang mga taga Batangas.Malinaw na hindi lamang kumakatawan sa isang tao.Ito ay hindi lamang isang paraan para sa pagpapahayag ng mga sariling saloobin,opinyon,mga personal na obserbasyon at halaga ng kanyang mga katangian ay isang sisidlan na siyang nagpapahayag ng mga aspeto ng isang komunidad.Ang wika ay kumakatawan din sa pangunahing pagpaparating sa iba ng panlipunang pagkakakilanlan.Sa maikling salita,ang wika ay tumutulong na mapanatili ang mga damdamin ng kultura,sining at pagkabansa ng isang komunidad.

              Sa paglipas ng panahon,mapapantunayan na ang wika ang siyang pinakamahalagang sandata upang maiparating ng isang bansa sa kanyang mga mamamayan ang mga pangyayari,kasaysayan at bahagi ng ekonomiya nito.Ang mabisang pakikipagtalastasan ay maaaring makapagpabago ng isang paninindigan o kilos.Ngunit gaya nga ng nabanggit kanina,kailangang hasain ang wika sa isang kaukulang lebel upang magamit ito ng maayos.

bottom of page